Hanggang Sa Huli Sb19 LyricsHanggang Sa Huli Sb19 Lyrics

Hanggang Sa Huli Sb19 Lyrics From The Album Get In The Zone. Song starts with Sa aking puso’y nag-iisa mayroong himig na kumakatok sa pinto ng aking ala-ala.

Hanggang Sa Huli Sb19 Song Lyrics

Sa aking puso’y nag-iisa
Mayroong himig na
Kumakatok sa pinto ng aking ala-ala

‘Di na dapat tumitig pa sa ’yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita

Ang ala-ala ko’y ‘di nagbago
Sa panaginip ko ay naroon ka

At kahit na ang mundo ay mag-iba
Ako’y laging nandito
‘Di man ako para sa ‘yo
Puso’y hindi magbabago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko’y sa ‘yo
Sa iyo hanggang sa huli

Siguro nga’y nararapat na ika’y limutin na
Pag-ibig ko’y isang hangin na ‘di mo madarama

‘Di na dapat tumitig pa sa ‘yong mga mata
‘Pagkat ikaw pa rin ang nakikita

Tanging pag-asa ko’y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko’y di nawala

At kahit na ang mundo ay mag-iba
Ako’y laging nandito
‘Di man ako para sa ‘yo
Puso’y hindi magbabago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko’y sa ‘yo
Sa iyo hanggang sa huli

Kung pinagtagpo tayong dal’wa’y para sa isa’t isa
At kung nasabi ko ba ang lahat noon ay may magbabago ba?
Sa aking bawat paghinga, dalangin ay makapiling ka
At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na

Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita

Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko’y sa ‘yo
Sa iyo hanggang sa huli

https://www.youtube.com/watch?v=aFiLDml-B44

Omiai Aite Wa Oshiego Tsuyoki Na Mondaiji Ending Song Lyrics

Follow me on Blogarama

By Admin