Song Lyrics Place

Top and Best New Song Lyrics Place

Ginintuang Tanawin Lyrics

Ginintuang Tanawin Lyrics
Spread the love

Ginintuang Tanawin Lyrics Golden Scenery Of Tomorrow By 4reuminct. Main song words are Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo.

Ginintuang Tanawin Lyrics

“Paano kapag sinabi kong mahal kita?”
“Hmm, syempre mahal mo ‘ko. Magkaibigan tayo eh, ‘di ba?”
Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
Litong-lito sa pulso ng nararamdaman
Di mawari kung ito’y isang panaginip

Tila ang puso ko’y naglalaro sa kalawakan
Sa liwanag ng araw, ika’y nariyan, Magkatabi’t sinisilayan ka
‘Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa
Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo

Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo
Sumisilip ang tinatagong kagustuhan
Makasama ka’t manatili sana sa ‘yong tabi
Umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti

Hihiling na lang na sana’y ako man lang ay ‘yong tignan
Sa liwanag ng araw, ika’y nariyan, magkatabi’t sinisilayan ka
‘Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa
Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo
Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako

Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit, sa ganda ng mata–
Nagtatanong ang aking isipan, nais mo rin ba akong mahagkan?
Hanggang dito nalang ba ang ating pagkakaibigan?
“Dito ka lang ah?”
“Oo naman, hindi ako aalis.”
Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, sana’y malaman mo

Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam mo ba ako?
Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit, hindi mapipilit, mabigyan ng pag-ibig mo

https://www.youtube.com/watch?v=uRL1CKfkR4M

Stroke On My Lick On My Song Lyrics


Spread the love